Paano Na Kaya..
Posted by admin - November 19, 2008 at 05:11:08 pmPaano na kaya, ‘di sinasadya
‘Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Eto nanaman ako nagpapaka LSS sa kanta ni Bugoy - Paano na kaya, kasi naman parang swak sa aking ang lyrico ng kanta eh. Tinatamaan ako sa bawat words isama mo pa kung pano ikanta ni Bugoy hahaha.
Siguro yun iba sa inyo nakilala na kung sino ba si Mookie, well nung nakaraan araw kasi yun common friend naman sa pRO (ragnarok philippines) niyaya ako bumalik muli para maglaro kasi daw nag merge na ang lahat ng servers (sympre keri nyo naman diba kung ano pinagsasabi ko hehehe). Of course namiss ko rin naman ang maglaro na yun kahit naging pulubi ako sa load sa game na yan, pero dibale dyan ko naman nakilala si mookie eh kaya sulit lang haha at yan din isa sa naging dahilan ng break up namin ng ex pfft. Ayun napakwento siya na a week earlier bago daw mag merge yun nasabing server nakita daw niya na online sa PRO si mookie kasama si “gf”, tahimik daw at walang kibo sympre ako si usisera pinilit ko pa rin yun friend namin kung meron ba nabanggit yun gf ni mookie. Feeling ko kasi parang nagalit ata si mookie sakin o parang nagtampo basta long story na yun. Sabi naman niya wala daw nabanggit so umagree na lang ako kahit hindi kuntento yun sagot nya hihihi.
Bigla tuloy ako napaisip what if nag krus ang landas namin tatlo sa PRO ulit, pano kaya mangyayare since napaka awkward nun eh na ako, si mookie at yun girl. Sympre hindi na tulad ng dati na sobrang close, meron na kasi mga nangyare na hindi maganda. Sabi ko nga sa friend namin baka pag nagkataon yun iwas na lang ako para di lumala ang issue, sympre di rin maiiwasan na masaktan ako weh. Pero ano ba magagawa ko ako’y hamak na kaibigan lamang. Minsan ng umasa pero ngunit nabigo rin naman bandang huli.
Grabe ang hirap talaga na mahulog ang loob mo sa isang kaibigan mo na kahit alam mo eh napaka complicated ng sitwasyon nyo diba, hirap din naman minsan nagbubulag bulagan na kahit harapan ka na nasasaktan patuloy pa din umaasa. Ayan ganyan kasi ako eh hahaha hindi na ko nadala talaga, paulit ulit na lang nangyayari pero d pa rin ako magtanda tsk.
Pagpasensyahan nyo na kung minsan ang haba ng entry ko hehe nasanay na ata ako sa ganito yun todo kwento
Powered by WordPress with GimpStyle Theme modified by NJQuintero.
Entries and comments feeds.
Valid XHTML and CSS.
BEHIND TLTY



